ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

State of emergency, idineklara sa Puerto Princesa dahil sa kakulangan sa kuryente


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Idineklara na ang state of emergency sa lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan dahil sa problema nito sa supply ng kuryente. "Patuloy na lumulobo ang pangangailangan sa kuryente sa lungsod na hindi na kayang punan ng mga independent power producers (IPP) dito," ayon sa ulat ni GMA News regional reported James Viernes nitong Biyernes. Ayon sa ulat, nagdeklara ang lokal na pamahalaan matapos aprubahan noong Huwebes ng City Council ng Puerte Princesa ang isang resolusyon para sa state of emergency. Napilitan umano ang konseho na aprubahan ang panukalang deklarasyon dahil sa sunud-sunod na ang pagkakawala ng kuryente. Ang power outages ay ay nagdulot na umano ng kabi-kabilang pag-angal ng mga miyembro ng business sector, partikular na ang mga establisyamentong nakatutok sa turismo na hindi makapag-operate ng maayos dahil sa kakulangan sa kuryente, ayon sa ulat. Samantala, ayon sa ulat, personal umanong hihingi ng tulong si Puerto Princesa Mayor Edward Hagerdorn kay Pangulong Benigno Aquino III upang gawan ng paraan ang lumalalang problema sa kuryente sa kanilang lugar. — LBG, GMA News