ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Boholano ang pinakabatang naging National Artist


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba na isang Boholano na mahusay na iskultor o maglililok ang pinakabatang nahirang na National Artist noong 1976. Edad 46 lang noong 1976 nang ideklarang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan Sining Biswak si Napoleón Isabelo Veloso Abueva, na mas kinikilala bilang si Napoleon Abueva. Sa husay ni Abueva, kinikilala siyang “Father of Modern Philippine Sculpture." Kaya niyang gumawa ng debuho sa kahit anong materyal tulad ng kahoy, bato, metal at iba pa. Noong dekada 80, nagsagawa ng one-man show si Abueva sa New York, USA. Ilang obra din niya ang makikita sa iba’t ibang museums sa ibang bansa. Ilang sa kanyang mga likha ay ang National Heroes Shrine sa Mt. Samat sa Bataan, at ang debuho ni Teodoro M. Kalaw sa National Library. - FRJ, GMA News