ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Basurang plastik, pwedeng maging bigas sa Dagupan, Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang basurang plastik na itatapon na, puwede pang maging bigas sa Dagupan, Pangasinan. Ito ay sa pamamagitan ng programang “Plastik Mo, Bigas Ko, Palit Tayo,’ ng isang non governmental organization at katuwang ang lokal na pamahalaan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing 60 kaban ng bigas ang ipinamahagi sa mga residente ng Dagupan City para ipampalit sa nakolekta nilang tatlong toneladang basurang plastik. Mula nang ipatupad ang programa noong Setyembre 2011, tuloy-tuloy na umano ang ginagawang pag-iipon ng mga basurang plastik ng mga residente para makakuha ng libreng bigas. Ang bawat kilo ng makokolektang plastik, isang kilong bigas ang kapalit. Ang naturang programa ay itinatuwa naman ng lokal na pamahalaan dahil malaki raw ang nabawas sa kanilang basura mula ang ipatupad ito. - FRJ, GMA News