ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bagitong pulis, suspect sa pagpatay sa isang lalaki sa Pasay City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinaghahanap na ngayon ang isang bagitong pulis na suspek umano sa pagpatay sa isang lalaki sa Pasay City Huwebes ng gabi. Sa ulat ni Rod Vega sa DZBB, kinilala ang pulis na si PO1 Robert Baluyot na umano'y pumatay sa isang Virgilio Hilario, alyas "Bongbong,"  na taga-Barangay 4 ng nasabing siyudad. Patay na at nakahandusay sa loob ng kanyang bahay si Hilario nang madatnan ng mga rumesponding pulis. Ang naka-shorts na biktima ay tadtad umano ng bala sa katawan, ayon sa report. Sugatan naman si Pedro Deliba, isang retiradong miyembro ng dating Philippine Constabulary (PC), at agad na dinala sa ospital dahil sa mga sugat sa ulo dulot ng umano'y panghahampas ng baril ng suspek. Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, nakarinig  umano sila ng sunud-sunod na putok ng baril at pagkatapos nakarinig sila ng takabuhan mula sa bahay ng mga biktima. Hinala ng mga kapitbahay na nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at mga biktima bago maganap ang pamamaril. Ayon sa mga pulis, nagkalat sa loob ng bahay ng mga biktima ang mga basiyo ng bala ng kalibre-.45 na baril. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Pasay Police ang motibo sa krimen. — LBG, GMA News