ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

MMDA, nakahakot na ng 200 truckloads ng basura mula sa Roxas Blvd


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot sa 200 truckloads ng basurang isinampa ng malalaking alon sa Manila Bay sa Roaxas Boulevard ang nahakot ng Metro Manila Development Authority noong Biyernes. Ito'y ayon kay Engineer Francis Martinez, hepe ng Metro Parkway Clearing Group ng MMDA sa programa ng ahensiya sa dzBB. Ayon kay Martinez, may naiwan pa umanong 30 porsyento ng mga basurang ikinalat ng mga alon ang nakatakdang hakutin ng mga kawani ng MMDA, kasama ang iba pang volunteers na naglilinis sa Roxas Boulevard. Matatandaang isinampa sa Roxas Boulevard ang tone-toneladang mga basura mula sa Manila Bay ng naglalakihang mga alon bunsod ng masamang panahon noong Martes. Binaha rin ang bahagi ng Roxas Boulevard malapit sa Rizal Park dahil sa malalakas na alon at sunud-sunod na pagbuhos ng ulan sa araw na iyon. Sinabi din ni Martinez na may mga troso at mga gulong ng sasakyan na nahakot nila kasama ng mga basura. Habang patuloy ang kanilang paghahakot, binabantayan din umano ng grupo ni Martinez ang iba pang mga troso na paluang-lutang para hindi humampas at makasira sa seawall. — LBG, GMA News