ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
11 bayan apektado sa bakbakan sa Maguindanao
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Walang kuryente ngayon ang 11 bayan sa probinsiya ng Maguindanao nang biglang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng pamahalaan at ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) noong Linggo ng hatinggabi. Ang BIFF ay isang breakaway group mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang BIFF ay isang breakaway group mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa panayam sa dzBB, sinabi ni Maguindanao Police Provincial director Senior Superintendent Marcelo Pintac na ang BIFF ay pinamumunuan ni Ameril Ombra Kato, isang dating mataas na field commander ng MILF.
Si Kato ay isa sa most wanted sa Pilipinas.
Ayon kay Pintac, pinutol umano ng mga tauhan ni Kato ang mga poste ng kuryente gamit ang chainsaw kung saan 11 bayan ang nawalan ng kuryente. Hindi naman sinabi ni Pintac kung anu-anong lugar sa Maguindanao ang may kakulangan sa kuryente sa ngayon.
Sinunog din umano ng mga rebelde ang 2 bahay sa bayan ng Ampatuan kung saan nagsilikas na ang residente sa nasabing lugar.
Isang sundalo ang napaulat na sugatan sa bakbakan.
"Malalakas ang mga putok nila (BIFF). Maririnig pa namin dito ang mga malalakas na putok. Hindi namin mapasok ang lugar. Makapal ang kalaban," sabi ni Pintac.
Sa ibang panayam naman sa DZBB, sinabi Major Harold Cabunoc, spokesman ng Philippine Army, na maraming detachment sa Maguindanao ang sabay-sabay na hinaras ng BIFF.
Una na hinaras ng BIFF ang army detachment sa bayan ng Sharigff Aguak.
Hanggang sa mga oras ng pagbabalita, hindi pa matantiya ni Cabunoc kung gaano karami ang mga miyembro ng BIFF na kasama sa bakbakan.
Ayon kay Cabunoc, posible umanong gustong isabotahe ng grupo ni Kato ang patuloy na peace talk na ginagawa ng pamahalaan ng gobyerno at ng pamunoan ng MILF.
Samantala, ayon kay Cabunoc na nakipag-ugnayan na ang militar sa pamunoan ng MILF kung saan nakigpagtulungan na ang MILF para matigil na ang karahasan ngayon sa Maguindanao.
Naglagay din umano ng mga "blocking forces" ang MILF laban sa BIFF.
Matatandaan na si Kato ay ilang beses na napabalitang namatay.
Pero ayon kay Cabunoc, buhay pa si Kato pero hindi makalakad dahil na-stroke ang nasabing rebelde.
Ngunit sa kabila ng pagka-stroke ni Kato, aminado si Cabunoc na marami pa rin sa mga tauhan nito ang "loyal" sa kanya (Kato). — RSJ, GMA News
Tags: maguindanao
More Videos
Most Popular