ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dahilan ng misteryosong bitak sa lupa sa Iloilo, natukoy na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang natuyong ilog sa ilalim umano ng lupa ang pinapaniwalaang dahilan kaya nagkaroon ng mga bitak sa lupa ng barangay Tiringanan sa bayan ng Janiuay, Iloilo. Babala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), posibleng tuluyang bumuho ang lupa sa ibabaw ng natuyong underground river dahil wala nang tubig na dumadaloy dito. Idinagdag sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, na nakapagpalala rin sa sitwasyon ng lupa ang tinatawag na Western Visayan fault line. Nagsimula umanong makita ng mga residente ng barangay ang mga bitak noong nakaraang buwan. Sa naunang ulat, sinabi ng isang residente na nakarinig din sila ng pagsabog sa ilalim ng lupa bago nagkaroon ng mga bitak sa ibabaw ng lupa na umabot sa mga palayan. Sa pagtaya ng PDRRMC, nasa l5 hektaryang lupa na ang gumuho o kung hindi naman ay nagkaroon ng mga bitak. Patuloy naman ang isinasagawang pag-aaral ng Mines and Geosciences Bureau tungkol sa naturang mga bitak sa lupa. - FRJ, GMA News

Tags: iloilo, sinkhole