ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pacquiao, tahimik na namahagi ng tulong sa mga nasalatanta ng baha


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tahimik na namahagi ng tulong si Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Emmanuel "Manny" Pacquiao sa mga Pilipinong naapektuhan sa malalakas na pag-ulan at sobrang pagbaha noong nakaarang linggo. Nagbigay umano ng "substantial" na halaga at relief goods ang mga tauhan ni Pacquiao sa relief drive ng grupo ng Kilusang Mayo Uno, ayon sa ulat ng radio dzBB nitong Linggo. Dahil dito, pinuri ni KMU chairman Elmer Labog si Pacquiao sa tahimik nitong pagbibigay ng tulong sa opisina ng KMU sa Quezon City. Ayon sa kanya, dapat umanong gayahin ng iba pang mga personalidad ang ginawa ng "Pambansang Kamao." Kabilang sa ibinigay na donasyon ni Pacquiao ay mga pagkain, tulad ng instant noodles, at "significant" na halaga ng pera, ayon kay Labog. Nakaranas ng mabigat na pag-ulan at matinding pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila at ng mga katabing probinsya noong nakaraang linggo dahil sa bagyo. Nitong Linggo, inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na mahigit 85 katao na ang pumanaw kasabay ang matinding pagbaha. Nagbabala naman ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng pagpasok ng dalawa hanggang tatlo pang bagyo sa loob ng teritoryo ng Pilipinas sa buwang ito. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News