ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Malnutrisyon sa isang bayan sa Agusan del Sur, bumaba na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bumababa na sa 9 porsyento ang mga kaso ng malnutrisyon sa mga bata sa bayan ng San Francisco,  Agusan del Sur, na sa nakaraang tatlong taon ay nakapako sa 14 porsyento. Ito ang sinabi ni Malin Bagawan, Municipal Nutrition Action Officer, sa ulat ni Mao de la Cruz sa dzBB. Isa umano sa mabisang panglaban sa malnutrisyon sa kanilang bayan ay ang pagkakaroon ng mga gulayan sa lahat ng mga paaralan para gamitin sa feeding program. Sinabi din ni Bugawan, sinubaybayan ng kanyang tanggapan ang lahat ng mga kantina sa lahat ng mga paaralan para hindi makapagbenta ng mga "junk food" sa mga bata alinsunod sa panukala ng Department of Education. — LBG, GMA news