ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
12-anyos patay matapos magulungan ng bulldozer
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos magulungan ng bulldozer sa isang bakanteng lote sa compound ng Department of Environment and Natural Resources sa barangay Concepcion, Malabon City, Sabado ng umaga. Sa ulat ng dzBB, kinilala ang biktima na si Christian Alejo. Ayon sa mga nakasaksi, hindi umano napansin ng operator ng bulldozer ang bata na nangangalakal sa lugar. Naatrasan umano ang bata ng bulldozer. Napag-alaman agad na tumakas ang operator ng bulldozer pagkatapos ng insidente. Habang nagdadalamhati sa sinapit ng kanyang anak, mariin namang umapela ang ama ng bata na si Edward Alejo na sumuko na ang suspek para panagutan ang sinapit ng biktima. — LBG, GMA News
More Videos
Most Popular