ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Burol ni Capt. Bahinting sa Cebu City, binuksan sa publiko


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binuksan sa publiko ang burol ni Capt. Jessup Bahinting, ang piloto ng Piper Seneca plane na bumagsak sa karagatan ng Masbate noong nakaraang Sabado kung saan kasama niyang nasawi ang co-pilot at si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo. Sa ulat ng GMA News TVs Balitanghali nitong Sabado, sinabing nakalagak ang mga labi ni Bahinting sa chapel ng St. Peter’s Funeral homes. Nitong Biyernes ay dumating na sa bansa ang isang anak ni Bahinting mula sa Amerika. Isa pang anak nito na nasa abroad ang hinihintay na dumating. Sa Lunes ay nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Bahinting. Samantala, nakaburol din sa naturang chapel ang co-pilot ni Bahinting na si Kshitiz Chand, isang Nepalese. Iuuwi sa Nepal ang mga labi ni Chad sa Lunes. -- FRJ, GMA News