ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PNP: Walang banta ng terorismo, seguridad sa bansa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Walang natatanggap na anumang ulat ng banta ng terorismo o sa seguridad ang Philippine National Police sa kasalukuyan. Ito ay sinabi PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo, Jr., kasunod ng pagkadiskubre ng mga gamit sa paggawa ng pampasabog sa isang budget hotel sa Maynila, ayon sa report ni Benjie Liwanag sa dzBB. Pero ayon kay Cerbo, hindi pa rin sila magiging kampante sa sitwasyon ng seguridad ng bansa. Sinabi din ni Cerbo na pinakilos na ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome ang kanilang intelligence unit at iba pang distrito ng pulis sa mga estratihikong mga lugar upang hindi malusutan ng ano mang plano ng kahit anumang grupo. Magpapatuloy din anya ang kanilang ugnayan sa mga opisyal ng militar upang mas mapaigting ang monitoring sa mga matataong lugar katulad ng mga pampublikong mga gusali, mga konsulada, embahada, paliparan, daungan at pantalan. Ayon din kay Cerbo, nagsasagawa na rin ng karagdagang imbestigasyon at pangangalap ng sapat na ebidensiya ang mga imbestigador upang matunton ang lalaki na nag – check in sa isang budget hotel. — LBG, GMA News