ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kaso ng leptospirosis sa QC, umakyat ng 340%


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umakyat ng 340 porsyento ang kaso ng leptospirosis sa Quezon City, matapos ang mabigat at matagal na pag-uulan sa Metro Manila noong nakaraang taon. Sa ulat ni Allan Gatus sa radio dzBB ngayong Huwebes, sinabi ni Dr. Rolly Cruz, head ng epidemiology unit ng Quezon City health department na nakapagtala sila ng 346 na kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Setyembre. Tumaas ang bilang ng mga kaso mula 78 noong nakaraang taon para sa parehong mga buwan. Ayon pa kay Cruz, maaaring isisi ang pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa pagbabaha dulot ng malalakas na ulan ng hanging habagat noong Agosto. Karamihan daw sa mga biktima ay mga lalaki, na ang iba ay 20 anyos pa lamang. Karamihan sa kaso ay naitala sa mga bahaing lugar ng Baesa, Gulod, at Tatalon. Higit sa 50 mga biktima ang kinailangang gamutin sa San Lazaro Hospital sa Maynila. Hinikayat ng awtoridad ang mga residente na huwag balewalain ang mga sintomas ng sakit tulad ng pag-ubo at sipon, sabay payo na dapat kaagad silang magpa-duktor kapag nakararanas ng ganitong karamdaman. Ayon sa US National Library of Medicine ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nakukuha kapag na-expose ang isang tao sa bahang kontaminado ng ihi o dumi ng hayop. Ang risk factors ng leptospirosis ay ang mga sumusunod:

- Sa mga manggagagawa: magsasaka, nagtatrabaho sa rancho, mangangatay, beterinaryo, mantotroso, sundalo, manggagawa sa palayan, at trabahador sa mga kanal. - Sa mga aktibidades: paglangoy sa fresh water, canoeing, kayaking, at trail biking sa warm areas - Sa loob ng bahay: mula sa aso, alagang manok, daga, o sa mga nakaimbak na tubig ulan.
Inaabot ng dalawang araw hanggang 26 na araw o sa average na 10 araw bago mag-develop ang sakit at ilan sa mga sintomas ay:
- Dry cough - Fever - Headache - Muscle pain - Nausea, vomiting, and diarrhea - Shaking chills - Abdominal pain - Abnormal lung sounds - Bone pain - Conjunctivitis - Enlarged lymph glands - Enlarged spleen or liver - Joint aches - Muscle rigidity - Muscle tenderness - Skin rash - Sore throat.
— LBG, GMA News