ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
BFP, nagbabala vs looters sa nasusunog na Tutuban Mall
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagbabala ang mga awtoridad sa mga masasamang loob na nagbabalak pang mang-umit sa loob ng Tutuban Mall sa Divisoria sa Manila, na dalawang araw nang nasusunog.
Sa ulat ni Carlo Mateo sa dzBB, nagbabala ang Bureau of Fire Protection sa mga magnanakaw na delikadong pumasok sa nasusunog na gusali dahil sa mga nahuhulog na debris.
Ayon pa sa awtoridad, maaaring ma-trap sa loob ang sinumang magtatangkang pumasok dito.
Ilang bumbero na nga raw ang kinailangang gamutin dahil sa epekto ng pagpasok sa nasusunog na gusali, ayon pa kay Senior Superintendent Bobby Baruelo.
Hindi bababa sa 47 na mga bumbero ang nangailangan na ng emergency medical service dahil sa hiarp sa paghinga at mga sugat na natamo sa pagapula sa apoy.
Nananatili pa rin sa Task Force Delta ang sunog sa nasabing mall. Nagsimula ang sunog 12:42 ng madaling araw noong Miyerkules.
Ayon pa sa ulat, kumalat na sa ibang bahagi ng mall ang sunog.
Binombahan na rin ng mg abumbero ng tubig ang mga karatig establisyimento upang maiwasang kumalat ang apoy doon.
Nangangamba ang mga arson investigators na maaaring magtagal pa ang sunog dahil madaling masunog ang mga bagay na naiwan sa loob ng gusali tulad ng mga panindang tela at damit. — RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular