ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

NDRRMC: Bata nalunod, isa pa nawawala sa matinding pag-ulan sa Davao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nalunod ang isang bata habang nawawala naman ang isa pa matapos silang tumawid sa isang sapa sa gitna ng matinding pag-uulan sa Davao City noong Biyernes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Ayon din sa NDRRMC nitong Linggo, may dalawa pang ibang mga bata ang nakaligtas. Natangpuan ang mga labi ni Fernando Caitom, 12, noong Sabado dakong 6:55 ng umaga. Kasalakuyan pang nawawala si Jomar Abequivel. Nakaligtas naman sina Dennis Maños, 10, at Kevin Ambe, 13. Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang naganap ang insidente noong Biyernes dakong 4:10 ng hapon habang tumatawid ang mga bata sa Bagahay Creek sa Barangay Baliok sa Toril District sa Davao City, ayon sa NDRRMC. Pauwi na sana ang mga bata nang tumawid sila sa sapa at hindi na namalayan ang pagtaas ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan. Itinigil ang search operations noong Sabado dakong 4:50 ng gabi, dagdag pa ng NDRRMC. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News