ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Naaagnas na bangkay lumutang sa ilog sa San Mateo, Rizal
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakitang palutang-lutang ang 'di pa nakikitang naagnas na bangkay sa ilog sa San Mateo, Rizal, umaga nitong Linggo. Ayon sa report ni Glenn Juego sa dzBB, natagpuan ang bangkay sa tabing ilog ng Dulong bayan I, malapit sa boundary ng San Mateo at bayan ng Roderiguez. Nakasuot lamang ng brief ang biktima, at dahil nasa stage of decomposition na ang bangkay, mahirap na umanong makilala ito. Tinakpan na ng kumot ang biktima matapos itong maiahon mula sa ilog. Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima at hinihintay pa rin kung may maghahanap sa biktima. — LBG, GMA News
More Videos
Most Popular