ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

NDRRMC: 1 sugatan, 127 katao lumikas dahil sa bakbakan sa Sarangani


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa ang sugatan habang 127 katao mula sa 40 pamilya ang nagsilikas ng biglang sumiklab ang bakbakan ng mga miyembro ng Barangay Defense Force at isang grupo ng mga armadong mga lalaki, umaga noong Sabado. Ayon sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, nangyari ang bakbakan sa Sitio Kadapukan, Barangay Tulukas sa bayan ng Maitum sa Sarangani Province ng magskasagupa ang mga miyembro ng BDF at isang grupo na pinamumunuan ng isang Datu Engig. Ang mga nagsilikas na mga residente ay mula sa kalapit na Sitio Napilay. Nasa 30 umano ang bilang ng mga armadong mga tauhan ni Datu Engig, habang 12 naman ang mga miyembro ng BDF. Isang Molok Lunggoyen na miyembro ng BDF ang sugatan sa bakbakan. Dinala sa Diagan Coopretaive Hospital sa General Santos City ang sugatang si Lunggoyen. Agad namang nai-deploy sa lugar ang pinag-isang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sunog sa CDO Samantala, 24 na bahay naman ang tinupok ng apoy sa barangay 34, Zone 2, sa Cagayan de Oro City madaling araw ng Sabado, ayon sa NDRRMC. Nagmula ang apoy sa bahay ng isang Mamerto Camingao, habang ini-imbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. Aabot sa 200 ka mga inidibidwal ang apektado sa sunog, kung saan umabot sa P350,000 ang halaga ng mga nasirang ari-arian. — LBG, GMA News