ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Arroyo, hiniling sa SC na pigilan ang pagdinig ng PCSO plunder case
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hiniling ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nitong Miyerkules sa Korte Suprema na ipahinto ang pagdinig ng Sandiganbayan sa kasong plunder laban sa kanya kaugnay ang umano'y iregularidad sa P366-M pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Kasalukuyang pinayagan ng anti-graft court si Gng. Arroyo na manatiling naka-confine muna sa Veteran's Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City habang dinidinig ang kaso niyang plunder. Gayunpaman, mayroong limang kondisyong ipinataw ang graft court para sa hospital arrest ni Arroyo:
(1) kinakailangang manatili lamang sa VMMC si Arroyo; (2) mayroong kabuuang kontrol ang Philippine National Police (PNP) sa kanyang mga bisita; (3) ang mga telepono lamang ng Police Security and Protection Group (PSPG) ang maaaring gamitin ni Arroyo; (4) ipinagbabawal ang pagbibigay ng panayam sa media na walang pahintulot o clearance, at (5) ang akusado ang magbabayad sa gastusin ng kanyang confinement at mga gamot.
Naka-confine si Gng. Arroyo, kasalukuyang kinatawan ng second legislative district ng Pampanga, sa VMMC mula pa noong Oktubre 4. Sa araw ding iyon, inihain ng pulis ang arrest warrant laban sa kanya sa utos ng graft court para sa kasong plunder kaugnay ang umano'y iregularidad sa PCSO. Mayroong bone mineral disorder ang dating pinuno; sumailalim siya sa ilang surgery noong nakaraang taon dahil sa kanyang karamdaman. Sa kabila ng kanyang kalagayan, muling tatakbo si Arroyo sa pagka-kongresista ng second district ng Pampanga para sa eleksyon sa susunod na taon. Noong Hulyo, pinayagan ng Pasig Regional Trial Court Branch 112 na magpiyansa si Arroyo para sa hiwalay na electoral sabotage case na inihain ng Commission on Elections laban sa kanya. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News More Videos
Most Popular