ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga plaka, susi mula sa sasakyan na hinihinalang kinarnap, nahukay sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nahukay ng mga awtoridad ang mahigit 10 plaka at mga susi mula sa mga sasakyang pinaniniwalaang kinarnap ng "Baktin" carnapping group sa Davao City. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing ang mga plaka na kinabibilangan ng tatlong “red plate" o plaka para sa mga sasakyan ng gobyerno, ay nahukay ng mga tauhan ng Highway Patrol Group-Region 11 sa isang garahe sa Agdao na nirerentahan umano ng lider ng grupo. Ang pinagbaunan ng mga plaka at orihinal na susi ng mga sasakyan ay itinuro umano ng mga miyembro ng carnapping group na naunang nadakip ng mga awtoridad. Sa naturang garahe rin nakita noong Lunes ang 14 na sasakyan na hinihinalang ninakaw. Patuloy naman ang paghahanap sa sinasabing lider ng grupo na si Ryan "Baktin" Yu. - FRJ, GMA News