ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bus, tumagilid at sumadsad sa burol sa Samal Island; 5 pasahero, patay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Lima katao ang nasawi nang sumadsad sa burol at tumagilid ang sinasakyan nilang pampasaherong bus sa Samal Island, Davao del Norte nitong Martes ng umaga. Sa ulat ng dzBB radio, sinabing naganap ang trahedya sa Island Express bus (LWU-812), dakong 10:30 a.m. sa barangy Poblacion Kaputian. Hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng aksidente at pero lamabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na kabilang sa mga nasawi ang drayber ng bus. Sugatan din ang 22 pang pasahero ng bus. Patuloy pa ang isinasagawang rescue operations nitong Martes ng hapon para sa iba pang nasaktang pasahero na isinugod sa pinakamalapit na ospital. â FRJ, GMA News
Tags: busaccidentdavao, davaoaccidents
More Videos
Most Popular