ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
22 hinihinalang kinarnap na sasakyan, nasabat sa isang repair shop sa Davao City
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dalawampu't dalawang sasakyan na pinaniniwalaang kinarnap ang nakumpiska ng mga operatiba ng Highway Patrol Group (HPG-Region 11) sa isang car repair shop sa Davao City. Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing isinagawa ng HPG ang pagsalakay matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na dinadala sa nasabing shop ng Baktin carnapping group ang nakukuha nitong sasakyan. Apat na umano sa nakumpiskang sasakyan ang kumpirmadong ninakaw. Itinanggi naman ng may-ari ng repair shop na kilala niya ang sinasabing lider ng Baktin group na si Ryan Yu. Una rito, nag-alok si Davao City vice mayor Rodrigo Duterte ng hanggang P5 milyon pabuya para madakip ni Yu – buhay man o patay. – FRJ, GMA News
Tags: carnapping, davaocitycrime
More Videos
Most Popular