ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga manggagawa sa Region 7, madadagdagan ang suweldo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board ang dagdag na sahod sa mga minimum wage earner sa Region 7. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing P22 bawat araw ang inaprubahang dagdag sa sweldo ng mga manggagawa sa Central Visayas. Inaasahan na maipatutupad umano ang dagdag na sahod sa darating na Disyembre 10. Sa ngayon ay inihahanda na umano ang kopya ng wage order at resolusyon na papaaprubahan sa National Wages and Productivity Commission. Ang region 7 ay kinabibilangan ng mga lalawigan ng Bohol, Cebu, Negros Oriental, at Siquijor. - FRJ, GMA News

Tags: wagehike, wages