Lalaking inakalang pinaslang noong 2010, buhay pala
Isang lalaki na inakalang pinaslang sa lalawigan ng Davao dalawang taon na ang nakalilipas, at ang bangkay ay nakita kamakailan lang ay lumitaw na buhay na buhay. Sa ulat ng dzBB-Davao radio nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni Sergio Dimas Jr., na posibleng nagkaroon ng "mistaken" identify sa bangkay na inakalang siya. Paliwanag ni Dimas, ninakaw noon ang kanyang wallet na naglalaman ng kanyang Social Security System ID at driver's license. Idinagdag niya na naninirahan siya sa Mabini Extension sa Digos City, Davao del Sur. Kamakailan lang ay isang bangkay ng lalaki na ibinaon sa lupa ang nakita ng mga pulis sa Sitio Igpit sa Brgy. Sibulan sa bayan ng Toril. Pinaniniwalaan na ang biktima na kinilala sa nakuhang identification card ay pinaslang ng mga rebeldeng komunista noong Disyembre 2010, ayon sa isang ulat ng Mindanao Times. – FRJ, GMA News