ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 menor de edad, dinakip dahil sa umano’y pananaksak sa kapwa menor de edad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong binatilyo ang inaresto ng pulisya dahil sa umano’y pagsaksak sa isang kapwa nila menor de edad na napag-initan daw ng grupo sa Labrador, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na napadaan lang sa lugar ng mga suspek ang biktima na kanilang sinaksak. Ilang residente umano ang nakasaksi sa nangyaring insidente. Bagaman inamin umano ng mga suspek ang ginawa, iginiit nila na idinepensa lang nila ang kanilang sarili dahil ang biktima raw ang naunang sumugod sa kanila. Nagpapagaling na mula sa tinamong sugat ang biktima habang dinala sa Department of Social Welfare and Development ang mga suspek. - FRJ, GMA News