ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Presyo ng LPG, ibababa ng independent dealers sa Sabado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magbababa ng presyo ang ilang independent liquefied petroleum gas dealers simula 12:01 ng umaga sa Sabado. Ayon sa ulat ng dzBB nitong Biyernes, tatapyasan umano ng LPG Marketers Association (LPGMA) ang presyo ng kanilang produkto ng P1.50 kada kilo o P16.50 bawat 11-kg na tangke. Papatak sa P640 hanggang P670 ang presyo ng bawat tangke pagtungtong ng December 1, ayon sa ulat. Ngayong Biyernes, ibinaba ng Petron at Solane ang presyo ng kanilang PLG dahil umano sa pagbaba ng contract prices sa pandaigdigang pamilihan para sa Disyembre. Ayon sa Petron, P1.65 kada kilo ang ibinaba sa presyo ng kanilang Gasul at ang Fiesta Gas naman ay  P1.65 per kilo rin, o P18.15 na bawas-presyo kada 11-kg na tangke Binawasan din ng Petron ang presyo nito sa Xtend Auto LPG ng P1.03 kada litro. Samantala, ang Solane naman ay nag-roll back ng presyo simula 12:01 ng umaga nitong Biyernes – P1.50 kada kilo, o P16.50 bawat 11-kg na tangke. Nangyari ang pagbaba ng mga presyo sa LPG ng Petron at Solane matapos magtaas ng presyo ng kanilang gasolina at diesel ang mga kumpanya ng langis noong Martes ng umaga. — LBG, GMA News