ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

9 preso na nahaharap sa mabibigat na kaso, nakatakas sa Davao del Sur


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Siyam na bilanggo na nahaharap sa mabibigat na kaso tulad ng pagpatay at panggagahasa ang nakatakas sa Davao del Sur Provincial Jail nitong Huwebes ng madaling araw. Sa ulat ni Donna Timbal-Senajon ng GMA-Davao para sa Balita Pilipinas Ngayon, kinilala ang mga nakatakas na bilanggo na sina Romalito Sumiljig, Alexander Villagracia, Carlos Cabactolan, Galid dela Cruz, Jerry Masaglang, Jessie Ando, Nelson Forunato, Magpor Umandak, at Matt Vincent Naret. Ayon sa provincial jail warden, nakatakas ang mga bilanggo sa pamamagitan ng paglagare sa rehas na bakal. Hindi umano napansin ang pagtakas ng mga preso dahil madilim sa selda matapos mapundi ang bombilya ng ilaw. Aminado naman ang warden na nagkaroon ng pagkukulang ang kanyang tauhan kaya nagsasagawa na ng imbestigasyon sa nangyaring pagtakas. Tinutugis na rin ng mga awtoridad ang mga tumakas na bilanaggo. - FRJ, GMA News