ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Christmas party, inihandog sa mga batang may cancer sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naging makabuluhan ang diwa ng Pasko sa isang hotel sa Davao City na naghandog ng Christmas party sa mga batang nakikipaglaban sa sakit na cancer. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, ipinakitang hinandugan ng magic presentation ang mga bata na tumutuloy sa House of Hope -- ang tahanan ng mga batang may cancer. Maliban sa inihandang mga pagkain, nagdulot din ng kasiyahan sa mga bata ang ipinagkaloob sa kanilang mga regalo. Ayon kay Rouel Guanzon, organizer ng party, nagbibigay sa kanila ng inspirasyon at pag-asa ang mga bata. - FRJ, GMA News

Tags: pasko, cancer