NPA, itinanggi ang pagdukot sa 2 anak ng sundalo sa Davao Norte
Pinabulaanan at itinanggi ng New People's Army-Davao-Agusan Command ang paratang ng militar na dinukot nila ang dalawang anak ng isang sundalo na nakatalaga sa bayan ng Kapalong, North cotabato. Ayon sa pahayag na ipinadala sa GMA News Online nitong Biyernes ng NPA-Southern Command sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Ka Boyet Makatindog, hindi rin umano nila tinangkang patayin ang sundalong si Pfc Lito Masaulon noong Disyembre 9. "Red fighters of the Guerrilla Front 34 Operations Command were busy repairing the houses of peasant masses – who were affected by typhoon Pablo – when they were alerted by a passing motorcycle bearing three passengers and one driver. The driver suddenly stopped, alighted, and left the two children and a woman as he ran away," ayon sa NPA. Nang mapansin ng mga rebelde na kadudaduda ang ikinikilos ng sundalo, sinubukan umano nila itong patigilin, at nagkaroon ng habulan na umabot sa dalawa hangang tatlong kilometro ang layo. Nauna umanong ibinato ng sundalo ng granada sa dereksyon ng mga rebelde, ngunit hindi sumabog ang granada. Noon na rin umano naghinala ang mga rebelde na isang sundalo ang kanilang hinahabol. Sa pangalawang granada na ibinato ng sundalo, sumabog na ito kung saan sugatan ang isang rebelde. Samantala, noong inisidente ding 'yun ay inasikaso umano ng mga rebelde ang dalawang anak at ang asawa ng tumakas na sundalo at ipinagbilin nila ang tatlo sa isang purok chairman ng barangay Datu Balong sa bayang ng Kapalong. Ayon sa naunang pahayag na ipinadala sa GMA News Online noong Disyembre 12, sinabi ni Lt. Col. Lyndon Paniza, tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, na sakay ng motorsiklo sina Pfc Lito Masaluon at ang kanyang dalawang anak at isang 'di pa nakikilalang sibilyan nang harangin sila ng pitong armadong miyembro ng NPA sa Barangay Mandalingan. Lumilikas lamang umano ang mag-ama sa baha dala ng bagyong Pablo nang tambangan sila. Nakatakas si Masaluon at ang dalawang bata ang tinangay ng mga rebelde. Natangay umano ng baha ang bahay ng mga biktima at lumilikas mula sa barangay Datu Balong, na tinamaan din ng hagutpit ng bagyong nagdaan. Ayon kay Paniza, naka destino si Masaluon sa Army detachment sa Kimantaan, at sa araw na iyon ay nagpunta sa kanilang bahay sa Barangay Datu Balong para sunduin ang dalawa niyang anak para ilikas matapos matangay ang kanilang bahay sa baha. “Naanod man ang among balay sa baha sa Kapalong,mao giuban nako ang akong duha ka anak pabalik unta sa detachment, kay wala sila matulugan," pahayag umano ni Pfc. Masaluon, ayon kay Paniza. "Sitio Danao is more or less 5 kilometers from Kimantaan Detachment. Pfc Masaluon said the NPA members fired at him and his children. Sensing that his children will be in danger if he is with them, Masaluon opted to divert the attention of the attackers in the opposite direction leaving his children. He ran to escape and to ask for help, but three guerrillas followed him and continued firing at him," dagdag pa ng pahayag. Ayon kay Paniza, patuloy na tutulong ang militar sa mga naging biktima ng bagyo, ngunit hindi naman nila pababayaan ang mga batang tinangay ng mga rebelde. Ayon kay Paniza ang mga batang biktima na may edad 12 at 17-taong gulang.