ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Alkalde ng Infanta, Pangasinan, patay matapos barilin sa labas ng kanyang bahay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang alkalde ng Infanta, Pangasinan matapos siyang barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo nitong Sabado ng hapon. Sa paunang impormasyon, sinabing nasa labas ng kanyang bahay si Mayor Ruperto Martinez, nang barilin sa dibdib at ulo ng mga suspek dakong 3:00 p.m., ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente para matukoy ang motibo sa pagpatay sa alkalde. Sa hiwalay na ulat ng dzBB radio, sinabing tinitingnan ng mga pulis kung may kinalaman ang operasyon ng jueteng o pagmimina sa pagpatay sa alkalde. Minsan na umanong nabatikos si Mantinez dahil sa pagpapahintulot nito sa mining operation sa Infanta. — FRJ, GMA News