ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

HS student sa Davao City, dinakip matapos magbiro na may dala siyang bomba sa loob ng mall


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kulungan at hindi sa Christmas party bumagsak ang isang high school student sa Davao City matapos siyang makulong bunga ng pagbibiro na may dala siyang bomba sa loob ng isang mall. Sa ulat ni Tek Ocampo ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing bibili sana ng pang-regalo sa Christmas party si Jayson Pito, 20-anyos, bago mangyari ang ginawa niyang pagbibiro tungkol sa bomba. Kwento ni Pito sa GMA News, ginawa niya ang pagbibiro paglapit niya sa guwardiya ng mall nang kakapkapan na siya. Biniro niya ang guwardiya na iiwan na lamang ang bitbit na bag dahil mayroon itong laman na bomba. Sinabi naman ng guwardiyang si Marvin Tuazon, na nagpanik ang mga tano sa malll nang ulitin ni Pito ang pangbanggit na mayroon siyang bomba nang muli niyang tanungin. Dahil dito, dinakip ng guwardiya si Pito at dinala sa himpilan ng pulisya dahil sa paglabag sa anti-bomb joke law. Kasabay naman ng paghingi ng paumanhin, idinahilan ni Pito na hindi niya alam na bawal ang magbiro tungkol sa bomba. Ayon sa isang opisyal ng mall, hindi ito ang unang pagkakataon na may nagbiro tungkol sa bomba. Pero lalo raw silang naging mahigpit kasunod ng pagkakapatay kamakailan sa People's Park sa Davao City sa isang Malaysian national na hinihinalang suicide bomber. Sa ilalim ng batas, ang mapapatunayang lumabag sa anti-bomb joke law ay maaaring pagmultahin ng hanggang P40,000 at pagkakakulong ng hanggang limang taon. - FRJ, GMA News