ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga mag-iinuman sa kalsada sa New Year, huhulihin — NCRPO


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Huhulihin ng mga pulis ang mga mag-iinuman sa kalsada sa Metro Manila, bilang bahagi sa kampanya sa pagtitiyak na maging mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa pamunuan ng National Capital Region Police Office. Base sa record ng NCRPO, ilan sa mga kaguluhan sa pagsalubong sa New Year noong mga nakalipas na taon ay ang inuman umano sa kalsada, ayon sa ulat ni Glenn Juego sa dzBB nitong Biyernes. Sinabi naman ni NCRPO director Chief Superintendent Leonardo Espina, ipinag-utos na niya sa kanyang mga tauhan na hulihin ang sino mang makikita nilang umiinom sa kalsada. Ang pinakamasaklap kasi sa mga nag-iinuman sa daan ay nadadamay ang mga inosenteng tao kapag nagkagulo, ayon kay Espina. Gagamitin umano ng mga pulis ang mga lokal na ordinansa na nagbabawal sa pag-inom sa kalsada bilang batayan ng panghuhuli. Ang pagsawata sa inuman sa kalsada ay bahagi pa rin daw ng programa ng Philippine National Police na mapanatili ang kaayusan sa mga pagdiriwang sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ang Department of Health naman, nakatuon ang puwersa sa pagtiyak na walang masasaktan sa ng mga paputok. — LBG, GMA News