ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Davao City, nanatiling 'injury-free' sa paputok dahil sa firecracker ban


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa ika-apat na sunod na taon, nanatiling injury-free ang Davao City sa pagsalubong sa bagong taon. Ito ay bunga ng ipinatutupad na firecracker ban na sinimulan noong 2001. Ayon kay Police Sr. Supt. Ronald dela Rosa, ng Davao City police station, wala pa silang nakukuhang ulat mula sa mga ospital at klinika tungkol sa mga taong nadisgrasya ng paputok. Ito na ang ikaapat na taong sunod na walang naitalang nasugatan sa Davao CIty dahil sa paputok. Sa isang pulong balitaan nitong Martes, sinabi ni Health Sec. Enrique Ona na umabot na sa 413 katao ang bilang ng mga biktima ng paputok sa bansa. Sa nasabing bilang, 404 ang firecracker related injuries at walo ang kaso ng ligaw na bala. Ang datos ay magmula Disyembre 21, 2012 hanggang 5:59 a.m. nitong Enero 1, 2013. Gayunmpanan, kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong panahon, mas mababa umano ang nasabing bilang ng mga biktima ng 17 porsiyento. "There was a significant decrease in the number of injuries subalit we would have wanted na wala talagang serious injuries. However, maybe that's also asking too much considering the results of what we have seen during the past five years," ayon kay Ona. Ayon sa Davao City police, umabot sa 106 katao ang nadakip dahil sa paglabag sa firecracker ban. Sa nasabing bilang ng mga nahuli, 49 sa mga ito ang adults at 57 ang menor de edad. Ang mga menor de edad ay ipinaubaya ng pulisya sa social welfare department para pagsabihan, habang mahaharap sa asunto ang mga nakatatanda na. - FRJ, GMA News