ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
16-anyos na babae, natagpuang patay sa loob ng bahay; live-in partner, suspek sa krimen
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Natagpuang patay at may dalawang saksak sa likod ang isang 16-anyos na babae sa loob ng kanyang bahay sa Dagupan City nitong Lunes. Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing dinakip ng mga pulis at itinuturing suspek sa krimen ang live-in partner ng biktima. Pero itinanggi ng suspek na may kinalaman siya nangyaring krimen. Kuwento umano ng suspek, nagpunta sila ng biktima sa isang inuman noong Linggo pero hindi sila sabay na umuwi. Kinabukasan na umano ng madaling-araw siya umuwi at nadatnan na lamang ang duguang bangkay ng biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular