ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking nangmolestiya umano sa kanyang 7-anyos na pamangkin, nakalaboso sa Capiz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad sa Roxas City, Capiz matapos siyang isumbong ng kanyang pitong-taong-gulang na pamangkin ng pangmomolestiya. Ayon sa biktima, sa kanilang bahay mismo ginawa ng suspek ang pagsasamantala sa kanya ng tiyuhin. Matapos isumbong sa pulisya ng mga kamag-anak ng bata ang nangyaring insidente, kaagad na nahuli ang suspek. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing inamin ng suspek na tinangka niyang pagsamantalahan ang biktima. Pero hindi raw natuloy ang kanyang masamang balak dahil nahuli siya ng lola ng bata. Isinailalim sa eksaminasyon ang biktima habang inihahanda ang kasong isasampa sa suspek. - FRJ, GMA News