ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3 menor de edad, huli sa tangka umanong pagnanakaw sa Davao City
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Apat katao, kabilang ang tatlong menor de edad ang hinuli matapos masangkot sa umano'y tangkang pagnanakaw sa isang ginagawang gusali sa Davao City. Sa ulat ni John Bautista ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas Ngayon, sinabing dinakip ang apat dahil sa tangkang pagnanakaw sa ginagawang gusali sa barangay Poclacion sa Davao City nitong madaling araw ng Biyernes. Ayon sa mga awtoridad, nasangkot na rin noon ang mga suspek sa iba pang kaso ng pagnanakaw sa lungsod. Dala umano ng kahirapan kaya nila nagagawa ang panloloob pero nagsisisi na raw sila. Dadalhin sa Department of Social Welfare and Development ang tatlong menor de edad. – FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular