ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tricycle sa Iloilo, inararo ng taxi; 3 pasahero, patay, 3 pa sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlo katao ang nasawi – kabilang ang isang menor de edad – nang salpukin ng isang taxi ang nakahimpil na tricycle na nagpapalit ng na-flat na gulong sa Iloilo. Sa ulat ni Jason Gregorio ng GMA-Iloilo sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, lumitaw na itinigil ni Homer Guitang ang minamaneho niyang tricycle sa gilid ng kalsada para palitan ang na-flat na gulong. Habang inaayos ang gulong ng tricycle, bigla itong sinalpok ng taxi at nasagasaan ang mga pasahero ng tricyle. Nasawi ang tatlong pasahero kabilang ang isang bata na 11-anyos. Kabilang naman sa tatlong nasugatan ang drayber ng tricycle. Giit ni Guitang, kahit madilim ang lugar na tinigilan nila, bukas naman umano ang ilaw ng kanilang sasakyan kaya hindi imposibleng hindi ito makita ng drayber ng taxi. Kusang sumuko naman sa pulisya ang drayber ng taxi na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injuries. – FRJ, GMA News