ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lalaki, patay sa naputol na kawad ng kuryente sa Lingayen, Pangasinan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang isang lalaki at sugatan naman ang kanyang kaibigan matapos silang makuryente habang inaayos ang naputol na kawad ng kuryente sa Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, lumitaw sa ulat ng pulisya na sinubukan ng mga biktima na ayusin ang naputol na kawad ng kuryente na nabagsakan ng sanga ng puno sa barangay Malawa sa Lingayen, Pangasinan. Nakuryente umano ang magkaibigan nang pagdudugtungin na nila ang naputol na kawad ng kuryente. Dahil sa insidente, muling nagpaalala ang pulisya na huwag hawakan ang kable ng kuryente at sa halip ay tumawag sa kinauukulan para makaiwas sa disgrasya. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular