ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga residente sa isang barangay sa Davao City, inilikas dahil sa landslide
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pansamantalang tumutuloy ngayon sa isang daycare center ang ilang residente sa barangay Catalunan Grande sa Davao City matapos maganap ang landslide sa lugar nitong Biyernes ng umaga. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing wala namang nasaktan sa naganap na pagguho ng mga lupa. Isang malaking puno rin ang nakaambang matumba at posibleng bumagsak umano sa ilang bahay. Pinalikas ng mga awtoridad ang mga residente dahil sa pangambang magkaroon pa ng mga landslide dahil na rin sa nagaganap na pag-ulan sa lugar. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular