ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tiyuhin ng mayor ng Liloan sa Cebu, patay sa pamamaril


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay sa pamamaril ang tiyuhin ng alkalde ng Liloan, Cebu nitong Martes. Nagbabasa umano ng diyaryo sa labas ng bahay ang biktima nang lapitan at barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing binawian sa ospital ang biktimang si Marlito Cañete, tiyuhin ni Liloan mayor Vincent Franco Frasco. Tumakas umano ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika ang pagpatay sa biktima. - FRJ, GMA News

Tags: ambush