ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Paggamit ni Miriam ng kanyang pork barrel, sisilipin ni Lacson


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patuloy na lumalalim ang alitan sa pagitan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Panfilo Lacson. Sa isang text message sa GMA News Online nitong Huwebes, kinumpirma ni Lacson na pinag-aaralan niya ang mga alegasyong ginamit ni Santiago ang kanyang pork barrel upang magtayo ng cockpit arena. "I have just started my investigation. Every time she opens her big mouth, I will gather evidence to expose her misdeeds and corrupt ways," aniya. Kasalukuyan pang sinusubukan ng GMA News Online na makuhanan ng komento si Santiago. Inihayag ito ni Lacson isang araw matapos magbanta si Santiago na ilalantad umano ang mga kasalan, pati ang umano'y tunay sekswalidad ni Lacson. "Maghanda ka (Lacson) dahil mayroon akong parliamentary immunity, ibulgar ko lahat ng kasalanan mo pati ang sexuality mo," ani Miriam sa panayam sa radyo nitong Miyerkules. Alitan Nagsimula ang kanilang alitan nang akusahan ni Santiago si Lacson na isa umano sa "attack dogs" ni Senate President Juan Ponce Enrile. Pinupuna ni Santiago si Enrile sa pagbibigay ng dagdag na pondo sa mga piling senador, partikular na sa mga umano'y kaalyado niya. Samantala, sinabi naman ni Lacson, pinuno ng Senate committee on accounts, na ginagamit umano ni Santiago ang pondo ng senado bilang pambayad ng rental fees ng kanyang opisina, sweldo ng kanyang mga kasambahay, at ang grocery allowance ng kanyang pamilya. Tinawag din niya itong "hypocrite" at isang "crusading crook." Ayon kay Lacson na ipinasa na niya ang mga dokumentong magpapatibay sa kanayang reklamo laban kay Santiago sa Office of the Ombudsman. "Yes, nandun na. Antay na lang si Miriam ng summons and most likely, warrant of arrest," aniya. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News