ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

1 pang empleyado ng LGU sa Pangasinan, patay sa riding-in-tandem


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa na namang kawani sa munisipalidad ng Pangasinan ang pinagbabaril at napatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek na nakatakas sakay ng motorsiklo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, kinilala ang biktima na si Conrado Reboledo, empleyado sa munisipyo ng Mangatarem. Papasok na umano sa munisipyo si Roboleda sakay ng kanyang motorsiklo nang tabihan siya at barilin ng mga suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo sa barangay General Luna. Kuwento ng mga saksi, tiniyak pa ng mga salarin na patay na ang biktima bago tumakas. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa pagpatay sa biktima. Una rito, binaril din at napatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang health officer ng munisipalidad ng Sta Maria na si Dr. Custodio dela Cruz. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at leeg si dela Cruz at hindi na umano umabot ng buhay sa ospital. Personal na alitan ang tinitingnan motibo ng mga pulis sa pagpaslang sa biktima. Sakay ng kanyang motorsiklo si dela Cruz at pauwi na sa kanyang bahay nang barilin ng mga suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo. - FRJ, GMA News