Ilang sugpo sa Pangasinan, nagpositibo sa White Spot Syndrome virus
Inaalam ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung gaano kalawak ang lugar sa Pangasinan na naapektuhan na ng White Spot Syndrome Virus na tumatama sa mga sugpo. Ito ay matapos magpositibo sa naturang virus ang ilang sampol ng sugpo na sinuri mula sa ilang shrimp farm sa lalawigan, kabilang na ang sa BFAR, ayon sa ulat ng GMA News TVs Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules. Dahil sa virus, sinabing nag-force harvest na ang ilang nagsu-sugpo sa lalawigan sa pangambang maapektuhan din ng sakit ang kanilang mga alaga. Ayon sa BFAR, kayang patayin ng virus ang mga sugpo sa isang buong palaisdaan sa loob lang ng dalawa hanggang pitong araw. Ganito rin umano problema ng ilang may shrimp farm sa lalawigan ng Saranggani. -- FRJ, GMA News