ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lola, patay matapos nasagasaan ng van; drayber, umaming nakaidlip
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang isang lola, habang kritikal naman ang kanyang anak at dalawang apo matapos silang mahagip ng isang van habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Passi City, Iloilo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Biyernes, sinabing naglalakad ang mga biktima sa gilid ng kalsada nang bigla silang salpukin ng isang van na nalihis ang daan matapos makaidlip ang drayber. Ayon sa pulisya, inamin ng drayber na nakatulog ito habang nagmamaneho at huli na nang maalimpungatan at makabig ang manibela. Pumayag naman umano ang pamilya ng mga biktima na hindi na magsasampa ng reklamo laban sa drayber matapos itong makipag-areglo. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular