Baguio mayor: Pagsabog, walang kinalaman sa Panagbenga
Wala kinalaman ang pagsabog ng granada sa Baguio City nitong Linggo ng umaga sa pagdiriwang ng Panagbenga, ayon sa ilang mga opisyal. "There was no bombing. It was an accident inside the office of anti-crime volunteers who were playing with something they shouldn't be playing with," ani Panagbenga co-chair Anthony de Leon. Sugatan ang tatlong katao dahil sa pagsabog. "It was an accident not at all related to Panagbenga," ani Mayor Mauricio Domogan. "We assure everybody that here in the city of Baguio it is very peaceful," dagdag niya. "This happened at 6:30 this morning, before the parade, where we had the best security available," ani Panagbenga festival chair Freddie Alquiroz. "It was an isolated case. It did not affect any of our visitors." Ayon kay Baguio Rep. Bernardo Vergara, umaasa ang mga pulis na aabot ng dalawang milyon ang bilang ng mga bisita sa pagdiriwang ng Panagbenga festival ngayong taon. Imbestigasyon ng pulis Sa kabila ng pagsisiguro ng mga opisyal, patuloy pa ring iniimbestigahan ng Baguio City police ang insidente. "Unfortunately, wala tayong CCTV [closed-circuit television]. However, meron tayong dalawang witnesses ... yan fina-follow up," ani police chief Senior Superintendent Jesus Cambay sa panayam ng dzBB radio nitong Linggo ng hapon. Kasalukuyan pa umanong sinusuri ng Scene of the Crime Operations and Crime Laboratory operatives ang insidente. "Ang initial theory natin possible revenge ito ng taong nasagasaan dito sa kanilang pagtulong sa pagsugpo ng krimen sa baguio. Isa pang angulo possibly within the group," aniya. — Amanda Fernandez/BM, GMA News