Martial law compensation bill, pirmado na ni PNoy
Pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Lunes ang panukalang nagbibigay kabayaran sa mga biktima ng human rights abuses noong panahon ng Martial Law sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Pinirmahan ni Aquino ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 kasabay ng pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng EDSA 1 Revolt sa People Power Monument sa Quezon City. "Nilagdaan natin ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 bilang pagkilala sa pagdurusang dinaanan ng napakarami sa batas militar," aniya sa kanyang talumpati sa nasabing pagdiriwang. Nauna nang inihayag ni Aquino na nakaranas siya mismo at ang kanyang pamilya ng paghihirap noong Martial Law nang makulong ang kanyang yumaong amang si dating Sen. Benigno Aquino Jr. Isinalaysay niya na noong panahong iyon, kinakailangang dumaan pa sa matinding inspeksyon mula sa otoridad ang kanyang yumanong ina na si dating Pangulong Corazon Aquino at kanyang mga kapatid tuwing bibisitahin nila ang kanilang ama. Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Aquino kay Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte Jr., at pati na rin sa mga awtor ng panukala, sa pagsuporta sa pagpapatupad nito. Sa ilalim ng batas, gagamitin ang P10 bilyong pondo mula sa umano'y nakaw na yaman ng mga Marcos bilang pambayad sa mga biktima. Nakalagay din sa batas ang pagbuo sa Human Rights Violations Victims' Memorial Commission. Makikipagtulungan ang komisyon sa Department of Education at Commission on Higher Education para ipaalam sa kabataan ang mga umano'y pang-aabuso ng pamilyang Marcos at ang kabayanihan ng mga lumaban sa kanila. 'Remind future generations of EDSA' Samantala, inihayag naman ni Vice President Jejomar Binay sa kanyang Facebook page na responsibilidad ng bawat Pilipino na ipaalala sa kasalukuyan at sa mga darating pang henerasyon ang mga aral na natutunan sa EDSA 1 Revolt. "As we mark the 27th anniversary of the bloodless revolution that toppled a tyrant and restored our freedom, it remains our responsibility to remind the present and future generation that the freedoms they enjoy came from the selfless sacrifice of nameless Filipinos who struggled against tyranny and oppression. These are the nameless heroes who faced the armed might of the State and suffered torture, indignity and even death," aniya. Dagdag ni Binay, ang pagsasabatas ng Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 "is not only our way of recognizing their sacrifices, but of reminding ourselves of the tyranny that made their struggle justified, a tyranny that must not be repeated." "I am confident that the future generation of Filipinos will always value, cherish and protect the freedoms that we reclaimed 27 years ago," aniya. Umaasa rin si Binay na mapakinggan ng mga Pilipino ang tunay na mensahe ng 1986 EDSA 1 Revolt, na ang laban sa mas malakas na kalaban ay mapapanalunan lamang kung isasantabi ng mga mamamayan ang kanilang takot. Ayon sa kanya, kung ang kalaban noong 1986 ay diktadura, ngunit naman ay "hunger, poverty and unemployment." "We can and we must transcend our differences in order to make the Revolution’s promise of shared prosperity a reality for the Filipino people," ani Binay. — Amanda Fernandez/ KBK, GMA News