ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking galing sa inuman, patay matapos barilin sa Ilocos Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 35-anyos na lalaki na galing sa inuman ang hindi na nakauwing buhay sa kanyang pamilya matapos siyang barilin sa Nueva Era, Ilocos Norte. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na galing sa inuman at pauwi na ang biktimang si Ericson Taylan, ng brgy. Sto Niño, Nueva Era, nang tambangan ito ng hindi pa nakikilalang suspek. Hinihinala ng mga imbestigador na paltik na baril ang ginamit sa pamamaril batay sa narekober na mga basyo ng bala. Palaisipan naman sa pamilya ng biktima ang nangyaring pamamaril dahil wala raw silang alam na kaaway nito. Iimbestigahan naman ng pulisya ang mga nakainuman ng biktima bago ito pinaslang. Tanod Sugatan Samantala, nagpapagaling na sa ospital ang barangay tanod na si Roderick Rosqueta, ng Brgy. San Marcelino, Dingras, Ilocos Norte, na binaril habang natutulog sa kanilang bahay ng hindi pa kilalang mga suspek. Magtamo si Rosqueta ng sugat sa kamay, hita at sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa tama ng kalibre 45 baril. Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang biktima at kanyang misis nang paulanan ng bala ang kanilang bahay nitong Martes ng madaling araw. Ilang basyo ng bala mula sa kalibre 45 baril ang nakita ng mga awtoridad sa labas ng bahay. Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa pamamaril ang reklamong isinampa ng biktima na direct assault sa isa nitong kabarangay. – JELabiano/FRJ, GMA News