ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nagbibisikletang lolo, patay matapos mahagip ng bus sa Asingan, Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 68-anyos na lolo matapos sumalpok sa isang pampasaherong bus ang sinasakyan niyang bisikleta sa Barangay Bantog, Asingan, Pangasinan nitong Miyerkules ng madaling araw. Binawian ng buhay ang biktimang si Jose Franada dahil sa matinding pinsala sa ulo na tinamo nito bunga ng pagkakabunggo ng bus. “Yung driver inireport niya sa amin yung accident, we conducted the investigation immediately. Dinala pa sa pagamutan ang victim pero patay na," ayon kay Chief Insp. Garie Noel Pascua, hepe ng Asingan-PNP. Ayon sa drayber ng bus na si Luis Fang, hindi niya napinsin ang biktima dahil bigla itong tumawid sa kalsada. Lumitaw naman sa imbestigasyon na posibleng hindi kaagad napansin ng drayber ng bus ang paparating na bisikleta dahil may kadiliman sa lugar at wala ring reflectorize sticker ang bisikleta. Inihahanda na ng awtoridad ang kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property laban sa drayber ng bus. – SMFinuliar/GLCalicdan/FRJ, GMA News