ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang lugar sa Davao City, muling binaha dahil sa pag-ulan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang residente sa barangay Calinan sa Davao City ang napilitang lumikas sa kanilang tahanan dahil sa pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan. Dakong 6:00 p.m. nitong Huwebes ng gabi nang lumakas ang buhos ng ulan na naging dahilan ng pagtaas ng tubig sa Talomo river. Bumaha rin sa Calinan Poblacion at Purok 25-A kung saan pumasok ang tubig sa mga kabahayan. Ang residenteng si Dondon Tandog, tanging rice cooker na lamang ang nabitbit sa bilis ng mga pangyayari. Nang humupa ang tubig baha, problema naman ng mga residente sa putik na iniwan ng baha. Ilang residente naman ang patuloy na nagbabantay sa ilog sa pangamba na baka tumaas pa rin ang tubig kaya minomonitor nila itong mabuti. Ayon sa Barangay Risk Reduction and Management Council, may anim na pamilya ang pansamantalang nakitira sa Barangay hall pero bumalik din sa kanilang mga bahay pagkaraan ng ilang oras. Samantala, pumasok din ang tubig baha sa 20 classrooms ng Calinan National High School, kaya naman naging abala ang mga estudyante sa paglilinis nitong Biyernes na dapat sana'y final exams nila. -- Helen Quinanola/FRJ, GMA News