ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang lugar sa Pangasinan, binaha na may kasamang putik bunga ng pag-ulan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naantala ang pag-uwi ng ilang estudyante sa lalawigan ng Pangasinan nang bumuhos ang malakas na ulan nitong Lunes ng hapon. Nitong Martes ng umaga, sumalubong naman ang mga estudyante ng naipong tubig baha sa ilang paaralan kagaya ng Dagupan City National High School. Sa kabila nito, tiniyak ng pamunuan ng eskwelahan na hindi maaantala ang kanilang mga klase at aktibidad. Ilang pangunahing lansangan din ang binaha dahil sa pag-ulan. Kabilang na dito ang bahagi ng M.H Del Pilar sa San Carlos City. Walang nagawa ang mga motorista kundi ilusong ang kanilang sasakyan sa baha. Ayon kay Pagasa Dagupan Bureau Chief Greg De Vera, ang pag-ulan ay dulot ng easterly winds sa bahaging Pacific Ocean. Ang mga residente sa Brgy. Talibaew, Calasiao, naka-alerto na sa posibleng pag-ulan tuwing hapon dahil taun-taon nilang nararanasan ang pagbaha kahit kaunting pag-ulan lang dahil nasa mababang lugar ang kanilang barangay. Inilabas na ng mga residente ang kanilang mga bangka at nakaantabay na rin ang kawayang tulay na maaaring daanan ng mga residente para hindi sila maputikan. – CCV/AST/JFA/GLC/FRJ, GMA News