Masbate, 'di pa raw kailangang isailalim sa kontrol ng Comelec
Hindi kumbinsido ang Commission on Elections (Comelec) na isailalim sa kontrol ng komisyon ang lalawigan ng Masbate sa kabila ng mga insidente ng pagkamatay ng ilang kakandidato sa lugar.
Ayon kay Comelec Regional director Romeo Fortez, naniniwala ang ahensiya na may mga paraan pang magagawa upang maging mapayapa at maayos ang gaganaping halalan sa Masbate.
Kinumpirma naman ng Task Force Masbate na election related ang kaso ng mga pamamaril at pagpatay sa ilang kandidato sa probinsya nitong nakaraang mga linggo.
Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal na walang dapat ikabahala ang publiko dahil kontrolado ng ahensiya ang sitwasyon sa lalawigan.
Hiniling naman ng Comelec at TF Masbate ang tulong ng publiko lalo na ang lokal na media upang maging maayos at tahimik sa lugar. -- CMPagtalunan/FRJ, GMA News